BUOD
Ang Heneral Luna ay pelikulang pantalambuhay mula sa Pilipinas tungkol kay Antonio Luna na nagsilbing heneral ng hukbong Pilipino noong Himagsikang Pilipino at Digmaang Pilipino-Amerikano.
ARALKahit na anong mangyari, may mga ahas pa rin sa gilid ng ating paningin na nanaisin kang kagatin. Hindi ko tunay na kilala ang pagkatao ni Luna, ngunit masasabi kong makikita sa palabas ang kanyang katapatan sa'ting bansa. Hindi naman siya magiging gano'n ka-lupit kung 'di dahil sa malasakit niya sa mga mamamayan(maliban nalang sa mga sundalong naterorrized niya,poor souls).
PAGGANAP NG MGA TAUHAN
Ang mga tauhan ay nababagay sa kani-kanilang "role" sa pelikula. Na nagbibigay ganda sa pelikula.
TEKNIKAL NA ASPETO
DIREKSIYON- Si Jerrold Taruc na ang direktor ng pelikula ay binigay niya ang lahat nang kaya niya sa pelikula,
ginalingan niya at buhos niyang inilahad ang lahat nang kanyang kaya sa pelikula.
PAGLALAPAT NG MUSIKA- Ang musika'ng kanilang inilagay ay bagay sa mga eksenang ipinalabas at saktong-sakto. Ma ka tindig-balahibo.
REAKSIYON KO-ito ay isang magandang pelikula pagkat pinapakita dito kung ano ang nararanasan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espanyol– diskriminasyon, korupsiyon sa pamahalaan, pagwawalang-karangalan, at pag-agaw sa mga lupain. Sa kabila ng lahat na ito, pinakita rin dito ang mga pagsisikap at pagsasakripisyo ng mga bayani para lang mabigyang karangalan, kalayaan, at karapatan ang mga Pilipino.